A A
RSS

Itakwil ang Bulok na Sistema, Itaguyod ang Karapatan at Kagalingan ng Mamamayan!

Mon, Nov 21, 2011

Articles

Ang mga hamon at hinaharap ng pakikibaka ng mag-aaral sa harap ng tumitinding krisis sa edukasyon at lipunan.

Naipakitang muli ng kabataan na hinding hindi siya uurong sa hamon ng kasaysayan at muling iginuhit ang isa nanamang militanteng pahina sa kasaysayan ng pakikibakang masa. Nitong mga nakaraang buwan ay papalaki at papalakas ang naging lantad na katangian ng mga inilunnsad na pagkilos ng mga kabataan sa loob at labas ng mga paaralan. Sinimulan sa mga walk-out nitong simula ng unang semestre ng taon tungo sa mga pambansang welga sa mga SUCs nitong Setyembre. Malaki parin ang hamong kinakaharap ng buong kilusang kabataan at estudyante na ipagpatuloy ang ganitong papalaki at papalakas na pagkilos. Nariyan ang hamon na pagibayuhin ang kampanya sa pag-aaral sa buong kasapian at nasasakupan para mas malalim na maunawaan ang nabubulok na yugto ng krisis panlipunan. Sa mga susunod na laban hindi na lamang mga paang nagmamartsa ang kinakailangan ng ating kilusan. Kailangan ng mga mulat na mga guro at propagandista sa usaping panlipunan. Kailangan ng mga organisador na magpapalawak sa ating kasapian. Kailangan din ng mga lider-kabataang magpapakilos pa ng laksa laksa para itaguyod ang kanilang mga demokratikong interes.

Hindi parin nareresolba ang dekadekada nang usapin ng pagpapamahagi ng lupa lalu na sa mismong lupain ng pamilyang Cojuanco-Aquinong Hacienda Luisita. Maging sa usapin ng sigalot sa paggawa sa Philippine Air Lines ay pumanig ang pamahalaan ni Aquino sa bahagi ng kapitalista. Inutil ang pamahalaan sa usapin ng mga migranteng naiipit sa mga sigalot sa ibayong dagat at sa di-makataong pagtrato sa kanila. Patuloy ang pagtataas ng preyso ng mga pangunahing bilihin, kuryente, tubig, pasahe, at langis. Patuloy din ang pagpataw ng Value Added Tax sa mga ito habang maluwag naman sa pagbubuwis sa mga malalaking negosyo.

Patuloy ang pagtaas ng matrikula at ibang bayarin at panggigipit sa mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan. Nilalantad nito ang kanilang lugar sa isang pamahalaang pinababayaan ang kanyang kabataan. Makikita ang pagtutulak ng pribatisasyon at komersiyalisasyon ng mga serbisyo gaya ng edukasyon sa tulak na rin ng dayuhan at iilan.

Nakapangumbabaw ang kamay ng dayuhan sa pangunguna ng Estados Unidos na nagdidikta ng mga palisya at patakarang nakagiya sa pagsusulong ng kanyang adyenda at kita. Pumapasok sa bansa ang lasong utang at ayuda at ibinubuyangyang sa pagsasamantala ang lokal na ekonomiya. Lantad ito sa nilulutong Chacha sa kongreso.

Kapansinpansin ang pagkukumahog ni Aquino na rendahan ang kanyang gobyerno sa pagitan ng naglalabanang mga interes sa loob mismong ng kanyang bakod. Makikita ang kawalang-kapasyahan ng kanyang pamahalaan sa lalu na sa pagsasampa ng kaso kay dating Pangulong Arroyo. Malinaw itong nagguguhit ng pagpapasyang panatilihin ang lumang sistema.

Sa mga panahon ng lumalalalang ligalig ay nangangailangan ng mas matitindi at papalakas na mga pagkilos mula sa hanay ng kabataan. Kinakailangan ang mapagpasyang pamumunong nakaugat sa mga obhetibong kalagayan at pangangaailangan ng mga kabataan at mamamayan. Ang kolektibo at militanteng pakikihamok ang magdidirehe sa mga usapin patungo sa interes ng mamamayan.

Mahalaga sa mga panahong ito na sinsinin an gating paglaban. Palaganapin at palalimin ang pagsusuri at pag-aaral sa lipunan. Palayain ang kamalayang palaban ng kabataan at mamamayan sa pamamagitan ng paghahapag ng mga alternatiba at ng kanyang tungkulin sa pagpapanday ng bagong sistema. Mula sa mga nauna nang naabot ng ating kampanya ay magpalawak pa ng hanay sa pamamagitan ng mulat na paggampan sa tungkulin ng pagrerekluta. Abutin pa ang mas malawak na bilan ng mga makakaalyado mula sa mga nauna. Konsolidahin ang ating hanay patuloy silang hamuning magpunyagi sa pagkilos. Magbalangkas pa ng mga aktibidad at serbisyo para sa ating mga nasasakupan. Higit sa lahat ay maglunsad pa ng mas mapangahas na mga pagkilos na magpapaunlad ng pampulitikang kamulatan at praktika n gating hanay.

Sa panahon ng walang puknat na atake sa mga mamamayan ay nangangailangan ng mas matitinding pagtugon mula sa hanay nating mga kabataan at estudyante. Lumabas sa mga usapin ng ating sektor at iangat ang bawat usapin bilang usapin ng nabubulok na sistemang pang-ekonomiya, pampulitika, at kaayusang panlipunan. Buong buong nakabilad na sa atin ang kontra-mamamayan at tuta ng dayuhan at iilan na katangian ng rehimeng Aquino. Lansagin ang kanyang atake sa karapatan at kagalingan ng mamamayan. Ihapag at isakatuparan ng tunay na makabayan at demokratikong adyenda sa pagpapalaya ng mamamayan mula sa mga tanikala ng pangaapi, pagsasamantala, at kawalang-katarungan. Kahanay ng malawak na bilang ng mamamayang nagdarahop, pandayin natin ang isang mas maalwan at mas makatarungang bukas.

Leave a Reply

budget budget cut ched co Commission on Higher Education consultation convention corruption dlsu education fare hike gma highschool human rights kabataan partylist kabtaan partylist labor export policy leadership training lrt merceditas gutierrez mrt national capital region National Union of Students of the Philippines no permit no exam noynoy aquino NUSP OFW oil price hikes partylist plmun region ROTC solidarity statement sona southern tagalog stop all tuition and other fee increases. strike student council tayo ang pag-asa tofi tuition and other fees increase tuition moratorium tulong kabataan UE up

Archives